Valenzuela – Arestado ang dalawang holdaper matapos na biktimahin ang mga water delivery boy sa Valenzuela City.
Modus ng mga suspek na sina Arnold Aguirre at Patrick Novio na umorder ng tubig sa refilling station kung saan nagpakilala pa ang isa sa mga ito na police colonel.
Dito na sasabihan ang mga delivery boy na magdala ng panukli sa isang libong piso pero haharangin nila ito saka hoholdapin.
Nasakote lamang ang mga suspek nang holdapin ang mga biktimang sina Jeremy Valencia at Justine Jongco nang magpa-deliver sila dito ng tubig pero tiyempo naman na may pulis sa area kaya’t hindi na sila nakaporma.
Facebook Comments