HULI | Dalawang lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga pulis sa Lanzones Street Barangay Payatas, Quezon City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) station 6, agad dinakip ang dalawang tsuper na suspect matapos na positibong makabili ng iligal na droga ang poseur buyer.

Narekober sa kanilang pangangalaga ang 10 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at P200 buy-bust money.


Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments