HULI | Dalawang lalaki, arestado sa ikinasang buy bust operation ng NBI sa Las Piñas City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit sa isang drug den na tapat mismo ng barangay hall ng Manuyo Uno sa Las Piñas City.

Sa ulat, target ng operasyon ang drug pusher na si Adrian Cristobal pero nakatakas ito makaraang dumaan sa bubong.

Nadakip naman ang kasabwat na bayaw nito na si Arlan Eugenio, na aminadong gumagamit ng iligal na droga at ang kanilang parokyano na si Alvin Quijano.


Sangkaterbang sachet ng marijuana at drug paraphernalia ang nakuha sa bahay ni Cristobal kung saan ayon naman Kay Kristine Dela Cruz ang Executive Officer ng NBI-Special Action Unit, kanila nang inaalam kung sino ang source ng suspek.

Wala naman kaalam-alam ang Chairman ng barangay na si Jimson Zaragosa na may drug den sa tapat nila.

Patuloy na pinaghahanap ang nakatakas na suspek habang nakakulong na ngayon sa NBI ang dalawang nadakip.

Facebook Comments