HULI | Dating Barangay Tanod, arestado matapos manuhol sa pulis sa Parañaque

Parañaque – Arestado ang dating Barangay Tanod matapos ang tangkang panunuhol sa pulis kapalit ang kalayaan ng isang nahuling drug suspek sa Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si alyas Andy, 33-anyos.

Matapos mahuli ang tatlong lalaki na naaktuhang gumagamit ng shabu ay lumapit ang suspek sa isang Parañaque Police at nag-alok ng 20,000 pesos para palayain ang mga drug suspect.


Dito na nagsagawa ng entrapment operation at hinuli ang suspect.

Kinasuhan ang salarin ng paglabag sa article 212 ng revised penal code o corruption of public officials.

Facebook Comments