HULI | Execom member ng CPP-NPA, arestado sa San Mateo, Rizal

San Mateo, Rizal – Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng CIDG-Manila-NCR, PNP at Armed Forces ang isang miyembro ng CPP-NPA sa Barangay Ampid, San Mateo, Rizal.

Bitbit ang warrant of arrest, nadakip si Marlen Maojo Maga y Bartolome na suspek sa kasong murder.

Narekober sa kanya ang isang kalibre 45 baril, isang magazine na may kargang pitong bala at wallet na naglalaman ng iba’t ibang I.D.


Napag-alamang miyembro si Bartolome ng execom ng National Youth and Student Bureau at National Organizing Division ng CPP-NPA.

Nasa kustodiya na ng CIDG-NCR ang suspek.

Facebook Comments