HULI | Isa pang mataas na opisyal ng CPP-NPA, naaresto sa Butuan City

Manila, Philippines – Isa na namang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sa Barangay Bading, Butuan City kahapon ng hapon.

Kinilala itong si Leonida Guao alyas Leah, Ligaya at Laya.

Ayon kay Captain Anthony Pueblas, Civil Military Operation Officer ng 4th Infantry Division ng Philippine Army nagsisilbing finance officer ng CPP-NPA Komisyon Mindanao (KOMMID) si Guao.


Responsable rin ito sa kaliwa’t kanang pangongotong o extortion sa Mindanao.

Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kinakaharap nitong kasong pagpatay na inilabas ng Regional Trial Court Branch 7, Bayugan City, sa Agusan del Sur.
Umaasa naman ang militar na makikipagtulungan si Guao sa imbestigasyon para matukoy ang mga indibidwal, organisasyon na sumusuporta sa CPP-NPA terrorists.



Facebook Comments