Baguio City – Arestado ang isang empleyado ng Baguio City Hall sa ikinasang anti-drug operation ng PDEA at PNP.
Nakilala ang nadakip na si Randolf Ryan Estigoy, residente ng Happy Glen Loop, barangay Salud Mitra, Baguio City at isang ticket checker ng city treasury office.
Nasakote ang suspek sa Laubach road kung saan nakuha sa kaniya ang dalawang gramo ng shabu at ang ginamit na marked money ng mga otoridad.
Nabatid na bago nahuli si Estigoy, isinailalim siya sa mahigpit na intelligence operation dahil sa pinaniniwalaang malakas ang koneksyon nito sa iligal na droga.
Facebook Comments