HULI | Isang hinihinalang Maute Member, naaresto ng PNP

Manila, Philippines – Nasa kustodya ngayon ng Philippine National Police ang isang hinihinalang miyembro ng teroristang grupo na Maute, makaraang isubong ng isang concern citizen sa mga pulis dahil sa paglalabas nito ng baril at pagbabanta sa mga residente ng Felix Manalo st., Cubao, Quezon City, magaalas singko ng hapon kahapon.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang suspect na si Unday Macadato, ay aktibong nakibahagi sa nangyaring Marawi Seige, kung saan tumayo ito bilang sniper ng grupo.

Sasampahan ang suspect ng kasong paglabag sa RA 10591 o Possession of Illegal Firearms at Explosives.


Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, malaking tulong ang partisipasyon ng publiko sa paguulat ng mga kahina – hinalang tao sa kanilang lugar.

Ugali umano ng mga teroristang ito na magpunta sa Metro Manila habang mainit pa ang kanilang pangalan sa kanilang pinanggalingan.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na wala dapat ikabahala ang publiko, dahil ang sunod – sunod na pagkakahuli sa mga hinihinalang miyembro ng teroristang grupo ay patunay lamang ng pinagigting na police intelligence.

Facebook Comments