HULI | Isang lasing na lalaki, kalaboso matapos magwala sa Valenzuela City

Valenzuela City – Nawala ang tapang ng isang lasing na lalaki matapos itong maaresto ng pulisya makaraang mag-amok sa Barangay Gen. T. De leon, Valenzuela City.

Mistulang naging maamong tupa ang suspek na si Rolando Pelaez Jr. nang arestuhin at ikulong ito ng mga pulis.

Nabatid na nagwala ang lasing suspek sa kahabaan ng Matimias Street kung saan agad na rumespondeangpulis saka nila ito kinausap para pakamalhin.


Pero sa halip na huminahon, lalong nagalit si Pelaez at pinagmumura pa ang mga pulis at isa sa mga ito ay pinagbantaan niyang papatayin.

Nagawa naman ng mga otoridad na mahawakan at maposasan nila ang suspek at agad nila itong dinala sa presinto.

Facebook Comments