HULI | Isang negosyante, arestado sa iligal na droga sa Leyte

18

Leyte – Arestado sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad ang isang negosyante sa Barangay Abgao, Maasin City, Southern Leyte.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Joevil Mendoza Lim na residente ng Barangay Canturing, Maasin City.

Nakuha sa suspek ang higit 100-pirasong plastic sachet ng shabu na may market value na P100,000.00.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang pagbebenta ng iligal na droga pero ayaw naman nitong sabihin kung sino ang kaniyang source.

Facebook Comments