HULI KA! | Isa sa mga suspek na nanggahasa ng isang menor de edad sa Bataan, nadakip na

Bataan – Nadakip na ng pulisya ang isa sa mga suspek na nanggahasa ng isang menor de edad na babae sa Orion, Bataan.

Positibong kinilala ng biktima ang suspek na si Edu Cariaga, 22-anyos na siyang unang nanggahasa sa kaniya.

Nabatid na inalok ng limang suspek sakay ng tricycle ang biktima na sumabay na pauwi pero may ini-spray sa kaniya si Cariaga kaya at nawalan siya ng malay.


Nang magising, nagulat nalang siya na nasa loob ng isang kubo kasama si Cariaga at apat na iba pang lalaki kung saan dito na siya ginahasa.
Nang pinauwi na ng mga suspek ang biktima ay agad siyang nagsumbong sa kanyang mga magulang at sa pulis kaya at nadakip si Cariaga habang patuloy na pinaghahanap ang apat na kasama nito.

Facebook Comments