HULI | Kilabot na holdaper, arestado sa Marikina City

9

Marikina – Bumagsak sa kamay ng Marikina Police Station ang isang kilabot na holdaper matapos na holdapin nito ang isang estudyante sa JP Rizal St., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Nakilala ang suspect na si Ronnel Delos Trinos 31 anyos habang ang biktima ay isang menor de edad na itatago natin sa pangalang KAT, 16 anyos isang estudyante.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya naglalakad ng biktima sa naturang lugar nang biglang lapitan ng suspek at sapilitang kinuha ang kanyang Oppo Cellphone at nagmamadaling umalis patungo sa direksyon sa Libis St. Pero agad na nakahingi ng tulong sa pulisya ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ng Marikina PNP agad naaresto ang suspek at narekober ang cellphone sa biktima.

Facebook Comments