Manila, Philippines – Naaresto ng fugitive search unit ng Bureau of Immigration ang isang Korean na wanted sa kasong swindling.
Ang 51-anyos na si Chun Taejoon ay inaresto sa Quezon City dahil sa pagiging undocumented nito at wanted sa Korea sa large scale fraud.
Nabatid na si Chun ay nakatangay sa 10,000 na mga indibidwal ng USD100-million mula sa construction investment scam.
Nadiskubre rin na noon pang June 3, 2009 expired ang pasaporte ni Chun.
Una ring nakipag-ugnayan ang South Korean Embassy sa Bureau of Immigration para sa agarang pagdakip sa nasabing Korean fugitive.
Facebook Comments