HULI | Lalaki, arestado sa LRT station matapos mahulihan ng mga baril

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki papasakay sana sa LRT Blumentritt station sa Maynila makaraan itong mahulihan ng mga baril.

Base sa ulat ng Manila Police District station 7, hindi na pumalag pa ang suspect na si Juan Celso, 39 anyos, na taga Tondo, Maynila, makaraang maharang sa metal detector pa lamang ang 4 na 9mm pistol at 8 magazine na itinago sa isang kahon.

Sa ngayon, sumasailalim na sa imbestigasyon si Celso, habang ipinadala naman sa Kampo Krame ang mga armas upang maisailalim sa Ballistic Examination.


Mahaharap ang suspect sa kasong Illegal Possession of Firearms.

Facebook Comments