HULI | Lalaki, arestado sa pagbebenta ng mga photo copied na law books

Manila, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI), Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang isang lalaki dahil sa ilegal na pagpapa-photocopy niya sa mga libro at pagbenta sa mga estudyante.

Nakilala ang suspek na si Edgar Dizon alyas “Dom Santos” na sinasabing kakapasa lang umano sa bar exams pero hindi pa nanunumpa bilang isang abogado.

Nasakote ang suspek matapos matunton ng NBI ang kaniyang bahay sa Silang, Cavite kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang limang law books, siyam na photocopy ng mga book cover ng law books, tatlong record book na naglalaman ng mga pangalan at detalye ng kanyang mga katransaksyon, isang supplier’s book, at dalawang bundle ng mga resibo.


Diskarte ng suspek na makipag-transaksiyonsa social media kung saan ipapadala niya ito sa courier at idinideposito naman sa kanyang personal na bank account ang bayad para sa mga libro.

Ayon kay Emeterio Dongallo, executive officer ng NBI-IPRD, kanilang ding iimbestigahan ang mga customer ng suspek lalo na at marami silang nakumpiskang mga resibo.

Sinalakay din ng NBI ang sha-i copy center sa Tagaytay at Dasmariñas, Cavite kung saan personal na nagpapagawa ng book-a-like si Dizon.

Facebook Comments