HULI | Lalaki, arestado sa pagbebenta ng nakaw na pintura

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos magbenta ng nakaw na pintura sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Bernardo Bautista na nahaharap sa kasing swindling at theft.

Ayon sa biktima at may-ari ng hardware na si Marvin Magtalas, inalok siya ng suspek ng pintura na kalahati lang ang presyo kaya binili na niya ito.


Pero natuklasan aniya niya na kulang ang kanilang stock na pintura na nakalagay sa labas ng hardware.

Dito na niya ni-review ang kuha ng CCTV at nadiskubreng doon pala kinuha ng suspek ang ibinenta nitong pintura.

Facebook Comments