Cavite – Arestado ang isang lalaki na nagbebenta ng mga endangered na coral at taklobo sa Bacoor, Cavite.
Nakilala ang nadakip na si Glenn Binoya na nakuhanan ng 10 aquarium na naglalaman ng taklobo at mga koral na nagkakahalaga ng P2.7 milyon.
Ayon sa NBI, sa Batangas pa galing ang mga taklobo at koral kung saan pinaparami niya ito sa kanilang bahay saka ibebenta.
Pumalag pa ang suspek nang damputin ito ng NBI at sinabing libangan lang niya ang mangolekta nito.
Pero ayon sa intelligence report ng U.S. Fish and Wildlife Service, dalawang taon na rin daw tumatakbo ang negosyo ni Binoya, na nagbebenta ng mga coral at taklobo sa internet sa mahigit-kumulang $30 kada piraso.
Facebook Comments