Manila, Philippines – Timbog ang tatlong lalaki sa ikinasang buy bust operation ng Malate, Maynila.
Nagpanggap bilang poseur buyer ang isang pulis mula sa station drug enforcement team at target ng operasyon ang isang 24-anyos na construction worker.
Pagkatapos ng transaksyon ay agad hinuli ang suspek at ang dalawa pang lalaki na nahulihan din ng ilIgal na droga.
Sinasabing miyembro ng ‘bahala na gang’ ang mga nahuling lalaki.
Nakumpiska ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
Facebook Comments