HULI! | Lalaking itinago ang shabu sa bag ng kaniyang 4-anyos na kapatid, arestado

Makati City – Kalaboso ang isang 16-anyos na lalaki matapos niyang itago ang hinihinalang shabu sa bag ng kaniyang apat na taong gulang na kapatid sa Makati City.

Ayon sa imbestigasyon, pumunta ang suspek sa paaralan ng kaniyang kapatid para kunin sa gamit nito ang naiwan niyang resibo.

Pero habang naghahanap sa bag ng bata nakita ng guro ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nakasingit sa notebook.


Nabatid na hindi ito ang unang beses na nakunan ng shabu ang suspek na itinurn over na sa DSWD.

Facebook Comments