HULI | Lalaking may dalang patalim, arestado

Manila, Philippines – Arestado ng Quezon City Police District (QCPD) station 6 ang isang 22-anyos matapos itong maglakad nang walang saplot pang-itaas.

Kinilala ang lalaki na si Romano Juntani na taga-Jolo, Sulu na lakas loob na naglakad sa kanto ng Quezon Ave. Brgy. PiƱahan sa EDSA.

Hindi na sana aarestuhin at aabisuhan ng lang ng pulisya si Romano nang makita nilang may nakasukbit na patalim sa leeg nito.


Agad na dinampot si Romano at kakasuhan na ng paglabag sa batas pambansa bilang 6, at city ordinance.

Facebook Comments