HULI | Lalaking may kasong estafa, timbog

Taguig City – Naaresto ng mga tauhan ng NBI anti-fraud and action division ang isang lalaking may kasong estafa sa Bonifacio Global City, Taguig.

Kinilala ang suspek na si Marvin Lim, isang Filipino Chinese.

Sa bisa ng warrant of arrest, tinungo ng NBI ang bahay kung saan madalas pumunta ang suspek.


Aabot sa 20 milyong piso ang nakuha ng suspek mula sa kanyang mga nabiktima.

Subject din ng warrant ang kapatid ng suspek na si Brigiatte Lim na patuloy pang pinaghahanap.

Pansamantalang ikukulong ang suspek sa NBI headquarters habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa return of a warrant.

Facebook Comments