HULI | Lalaking nagnakaw ng bawang at sibuyas, arestado sa Laoag City

Laoag City – Kalaboso ang isang lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw ng bawang at sibuyas sa isang palengke sa Calayab, Laoag City.

Nakilala ang suspek na si Louie Mabag Laura.

Sa ulat, diskarte ng suspek na magnakaw ng mga bawang at sibuyas kung saan iipunin niya ito saka ipagbibili sa ibang tindahan.


Matapos mahuli sa akto ang suspek, nakuhanan pa ito ng bala ng baril nang kapkapan ng mga otoridad.

Aminado sa pagnanakaw ang suspek pero iginiit nito na napulot lamang niya ang bala sa labasan ng palengke.

Facebook Comments