HULI! | Lalaking nagpanggap na MMDA traffic enforcer, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki makaraang mag panggap na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at naninita ng motorista sa Araneta Avenue, Quezon City.

Huli sa akto ng Quezon City Police si Reynante Pascacio habang naninita ng isang delivery truck dahil sa sirang headlights.

Nabatid na hiningan ng dokumento si Pascacio bilang patunay na siya ay MMDA enforcer pero wala itong mailabas kung saan umamin ito na nangongotong siya sa mga motorista.


Itinanggi rin ng MMDA na tauhan nila si Pascacio at sinabing peke ang uniporme nito at private vehicle din ang gamit niyang motorsiklo.

Nahaharap si Pascacio sa kasong usurpation of authority, illegal use of uniform and insignia, at illegal use of sirens.

Facebook Comments