HULI | Lalaking nagwawala at may dalang patalim, nahulihan ng ilegal na droga sa Pasig City

Pasig City – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang lalaking nakilalang si Bryan Lyson matapos na mahulihan ng patalim at pinaghihinalaang shabu nang magwala sa kahabaan ng C5 malapit sa IPI Ugong Pasig City.

Nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga operatiba ng Police Community Precinct 10 ng Pasig PNP sa naturang lugar nang maispatan ng mga pulis si Lyson na nagwawala may dala-dalang patalim.

Agad na bumaba ang mga pulis at dinampot ang suspek at nang kapkapan nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.


Sinampahan ng kasong paglabag sa Batas Pambansa bilang 6, o Alarm and Scandal at Violation of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang naturang suspek.

Facebook Comments