Manila, Philippines – Hindi na nakapalag pa ang isang suspek sa pagpatay matapos itong maaresto sa Pandacan, Maynila.
Nakilala ang suspek na si Victor Benitos, 47-anyos.
Ayon kay Police Senior Inspector Edwin Pugan ng MPD-Station 10, nakipag-ugnayan sa kanila ang Laguna PNP para isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na may kasong 2 counts of murder.
Inabutan ng mga pulis ang suspek na lasing na nag-iinum sa kalsada kung saan nawala ang tama ng alak sa kaniya nang ipakita ang warrant of arrest.
Sa ngayon, inihahanda na ang mga dokumento para maihatid na ito pabalik sa Laguna.
Facebook Comments