HULI | Lalaking wanted sa Tacurong City, arestado sa South Cotabato

South Cotabato – Arestado ang isang lalaki na may kasong homicide sa Polomok, South Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Rey Catalan Virgo, 38 anyos, residente ng Purok 1, Barangay Polo ng nasabing bayan.
Nabatid na may warrant of arrest si Virgo sa kasong homicide sa Tacurong city, Sultan Kudarat.

Mariin naman itinanggi ng suspek ang akusasyon at iginigiit na mistaken identity lamang ang nangyari.

Facebook Comments