Pasay City – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) ang lider at dalawang miyembro ng Angolan budol-budol group sa kanilang isinagawang entrapment operation sa Pasay City.
Ayon kay PNP CIDG Chief Police Director Roel Obusan, isang Chinese National ang nagreklamo sa kanila matapos mabiktima ng grupo.
Sa reklamo ng biktima, niloko sya ng mga suspek matapos mapaniwalang mapapalitan ng US dollars bills ang ibinigay nyang 250,000 pesos gamit ang mga paraphernalia at chemical applications noong May 14,2018 pero napagalaman niyang peke pala ang mga US dollars.
Nitong May 23,2018 muli syang kinontak ng mga suspek at nagde-demand ng isang milyong piso para palitan nila ng 100 US dollars.
Dito na humingi ng tulong sa CIDG ang biktimang Chinese kaya nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis dahilan nang pagakakaaresto ng mga suspek.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Aroon James 44 anyos, mula Puerto Rico, Brown Akwe Fonboh 43 anyos mula Estados Unidos at Gum Blanche Murphy 28 anyos mula sa Angola.
Pansamantalang nakatira ang mga ito sa isang hotel sa Ortigas Avenue Pasig City.
Na-rekober mula sa kanila ang 5 milyong halaga ng ultra violet powder na ginamit sa entrapment operation, 4 na plastic bottles ng puting liquid chemicals na may surgical gauze,52 piraso ng mga pekeng 100 US dollars at maraming piraso ng Torn 100 US dollars na hinihinalang mga pekeng bills.
Sinampahan na ng kasong estafa, swindling, assault upon agent of person in authority and resistance and disobedience ang mga suspek sa Pasay City Prosecutors office.