HULI | Limang drug, suspek patay – 95 arestado sa magkakahiwalay na drug operation sa Bulacan

60

Manila, Philippines – Patay ang limang drug suspects habang arestado ang 95 pa matapos ang magkakasunod ng anti-illegal drugs operation ng PNP Bulacan.

Ayon kay PNP Provincial Director Senior Supt Romeo Caramat, ang mga nasawi sa operasyon ay kinilalang sina alyas Popeye, Arwin Dave Martin alyas Daboy taga San Jose del Monte; Sonny Pablo Torres alyas Sonny Boy taga Malolos Bulacan, Rommel Mercado alyas Nog-Nog ng Santa Maria; at Christian Abarquez taga Calumpit Bulacan.

Nakuha sa mga napatay at naarestong drug suspek ang 277 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets ng shabu na aabot sa 170 kilos at 949 na gramo.

Narekober rin ang 12 piraso ng sachet ng marijuana na aabot sa 21 kilo at 86 na gramo, kabilang panang syam na mga baril, 93 mga balaat isang hand grenade.

Sa ngayon nasa Bulacan Crime Laboratory Office ang mga naarestong drug suspek para sa kinakailangan examination habang inihahanda na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

Tiniyak naman ni Caramat na magpapatuloy ang kanilang anti-illegal drugs operation sa kanyang nasasakupang lugar.

Facebook Comments