HULI | Limang tao, arestado sa isang drug den

Pasig City – Kalaboso ang limang tao sa isinagawang raid sa isang drug den sa De Leon Compound, Purok 3, Barangay Pineda, Pasig City.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ang drug den kung saan huli sa aktong nagpa-pot session ang tatlong suspek na nakilala sina George Divinagracia, 55 anyos, Caroline Catapang, 42, at Ralph Carlo De Leon, 19-anyos.

Inaresto rin ang dalawang nagsilbing lookout ng mga suspek na sina Asuncion De Leon at Felix De Leon.


Nakuha sa mga suspek ang 23 pirasong sachet ng hinihinalang shabu, isang weighing scale, at iba’t-ibang mga drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang kakaharapin ng mga nahuling suspek.

Facebook Comments