HULI | Lola , inaresto dahil sa pagbebenta ng shabu sa Parañaque City

ParaƱaque City – Timbog sa kinasang buy bust operation ang isang senior
citizen na babae sa ParaƱaque City.

Kinilala ang suspek na si Marietta Florencio 65 yrs old residente ng
Barangay Bacalaran.

Ayon kay Police Senior Superintendent Leon Victor Z. Rosete nakabili ng
shabu ang isa sa operatiba sa halagang 500 piso.


Napili ang Bagong Sikat Street, Barangay Baclaran, para magbentahan ng
iligal na droga

Nang maiabot ang mark money agad inaresto ang nasabing lola

Bukod sa isang pakete na nabili meron pang nakuha sa pag iingat ng lola na
4 na pakete ng hinihinalang shabu.

Patung-patong na kasong may kaugnayan sa R.A 9165 o comprehensive
dangerous drug act of 2002 ang isasampa sa suspek.

Facebook Comments