HULI | Mag-asawang tulak ng droga, timbog sa operasyon ng PDEA

Manila, Philippines – Kalaboso ang mag -sawa na nasa drug watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang buy-bust operation sa Block 5, Saint James Street, Rosary Heights 8, Cotabato City.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang arestado na si Monera Sandigan Bansuan, alias Ning/Neneng, 24 anyos at Allan Sinapal Masundig, 35.

Nakumpiska sa mag-asawa ang limampu’t dalawang pirasong plastic sachet ng suspected shabu na may street value na Php90,000.00, isang digital scale, mga mobile phone, isang motorsiklo na ginagamit sa transaction.


Si Bansuan ay una nang inaresto sa Cotabato City noong September 14, 2016 at kalalaya lamang noong Marso dahil sa paglabag RA 9165.

Facebook Comments