HULI | Mga kalapati, hinihinalang ginagamit sa pag-deliver ng droga sa Quezon City

Manila, Philippines – Hinihinalang gumagamit ng mga kalapati para mag-deliver ng droga ang dalawang lalaking nahuli sa isang checkpoint sa Quezon City.

Narekober sa mga suspek na sina Datu Khen Matsura at Ibrahim Gaima ang isang pakete ng shabu at apat na kalapati.

Ayon sa Quezon City Police, pasado 10 a.m. nang dumaan ang mga suspek na magka-angkas sa isang motor sa checkpoint sa Mabuhay Rotonda pero hindi ito huminto at nag-dirediretso kaya sila ay agad na hinuli.


Iniimbestigahan na ngayon ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng operasyon ng mga suspek.

Nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga, tangkang pagtakas sa checkpoint at traffic violations ang mga suspek.

Facebook Comments