HULI | Miyembro ng Hamas terrorist group, naaresto ng PNP sa Pampanga

Pampanga City – Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang miyembro ng Hamas Terrorist Group sa Barangay Malabanias Angeles City Pamapanga kahapon ng madaling araw.
Iprinsenta mismo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa media ang naarestong umanoy terorista na si Taha Mohamed Al-Jabouri, 64 anyos.
Si Al-Jalbouri ay nagsisilbing chemist ng Hamas Group at maraming alam sa paggawa ng mga pampasabog.
Ayon kay Dela Rosa, Sabado ng gabi na makatanggap ng tawag ang PNP mula sa Barangay Information Network dahil nakita ang presensya ng suspek sa Barangay Malabanias.
Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at dito na naaresto ang suspek.
Nang tanungin ang suspek sa pagkatao nito iprinisinta niya ang kanyang passport habang nadiskubre naman ng PNP na expired na ang visa ng suspek na dapat ay hanggang November 9, 2017 lamang simula nang dumating sya sa bansa noong August 10, 2017.

Sinasabing tumungo ang suspek sa Pilipinas para makipag kita sa Chinese business group na kinuha umano siya bilang consultant.
Hindi rin inaalis ni Dela Rosa na posibleng nagplanong manggulo sa ginanap na ASEAN summit sa bansa ang naarestong Iraqi.
Sa ngayon, nanatili sa kustodiya ng PNP Intelligence Group Unit ang naarestong terorista.

Facebook Comments