HULI! | Miyembro ng Maute ISIS, arestado sa Bagong Silang Caloocan City

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalakeng miyembro ng Maute-ISIS at naitalang national most wanted persons list sa Brgy. 176 Bagong Silang Caloocan City

Kinilala ni PSUPT Arnold Thomas Ibay, Regional Chief ng CIDG-NCR ang suspek na si Jomar Labay alyas Jumar Ibrahim, 24 na taong gulang.

Ikinasa ng opersyon ng CIDG Western Metro Manila at PNP-AFP joint task force NCR laban sa suspek na may warrant of arrest sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention, at murder


Si Labay ay suspek sa pagpugot ng ulo ng dalawang manggagawa at pagkidnap sa apat pang iba sa Butig, Lanao del Sur noong 2016

Samantala, arestado naman ang dalawang Barangay Officials ng Caniogan, Pasig dahil sa pag-iingat ng iligal na baril.

Inaresto ang mga ito sa bisa ng search warrant ng CIDG sa melendres compound sa nasabing Barangay kung saan nakakumpiska ng 2 kalibre 38 baril, rifle propelled grenade, kalibre 22 na baril, isang hand grenade, at mga bala

Nakatakda namang sampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives ang mga inarestong sina Julius Panis at Paul Panis.

Facebook Comments