HULI! | Mortgage Specialist, inaresto sa kasong Rape sa Makati City

Manila, Philippines – Walang piyansang inirekomenda ang Piskalya ng Makati City Prosecutors Office laban kay Franze Ferrer 27 anyos 2018 Ricarte BGC BY Point Blue Ricarte Street Makati City.

Si Ferrer ay inaresto ng mga operatiba ng Southern Police District Makati City Police Station matapos na magpalabas ng warrant of arrest si Hon. Judge Robert Victor Marcon ng Makati RTC Branch 3 para sa kasong Rape (80 counts) at Sexual Assault (40 counts).

Bukod sa walang kaukulang piyansa ang ipinataw ng Korte sa akusado sa kasong Rape pinagmumulta naman ito ng halagang 120 libong piso bawat counts sa kasong Sexual Assaults.


Naaresto ang akusado matapos na magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga operatiba ng Makati Police Station sa J.P Morgan Chase and Co. Building na matatagpuan sa 31 St. Bonifacio Global City, Taguig City.

Facebook Comments