HULI | Most wanted person, arestado sa Parañaque City

ParaƱaque City – Makaraan ang halos isang taong pagtatago, naaresto na ang number one most wanted person ng Abad Santos Police na may kasong murder.

Nakilala ang suspek na si Monico Batol alias Boy Negro na naaresto sa Bisa ng Warrant of Arrest sa Brgy. Baclaran sa ParaƱaque City.

Ayon kay Police Senior Inspector Ness Vargas, tagapagsalita ng Abad Santos Police, isang buwan ding nagsagawa ng Surveillane operations ang mga operatiba ng Intel at Warrant Section ng MPD.


Paliwanag ni Vargas Nobyembre 2016 nang pasukin ng suspek ang bahay ng mag-live in partner na sina Dario Debuque at Analyn Sosa.

Binaril umano niya ang dalawa at namatay sa insidente si Debuque.

Giit naman ng suspek, napagkamalan lang siya pero hindi na siya nagbigay ng mga karagdagang detalye.

Sabi ni Vargas, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa pagpatay dahil pumunta sa bahay ng mga biktima ang suspek para maningil ng utang.

Facebook Comments