HULI NA? | Pagdinig sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Sereno, target tapusin ngayong araw

Manila, Philippines – Posibleng tapusin na ngayong araw ang impeachment hearing laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, Chairman ng House Committee on Justice, maaaring ito na ang huling pagdinig ng impeachment case ni Sereno at ipagpapatuloy na lang sa Enero 2018.

Aniya, kailangan na kasing ratipikahan ng kongreso ang 2018 national budget, Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) at ang posibilidad na magkaroon ng joint session dahil sa extension ng martial law sa Mindanao.


Giit pa ni Umali na maraming legislative commitment na importante kaya maaari nilang ikansela ang hearings sa Martes o Miyerkules.

Nakatakda namang mag-Christmas break ang kongreso sa Disyembre 13 at magre-resume sa Enero.

Facebook Comments