HULI | Nagpapakilalang ahente ng NBI, timbog

Manila, Philippines – Natimbog ang isang nagpapakilalang ahente ng NBI matapos mahulihan ng dalawang bulto ng pinaghihinalang shabu sa No. 15 C, St Joseph street, Paradise village, Brgy. Sangaandaan. Proj 8, QC.

Kinilala ni DDEU QCPD Chief Pci Ferdy Mendoza ang suspect na si Jaime Gonzaga 36 yrs. old, alyas Jake Alcaraz na minsan ng nakulong dahil din sa droga.

Ayon kay Pci Mendoza na naging subject siya ng search warrant matapos nila matunugan na muling bumalik ang suspek sa bisyo at pagbebenta ng bawal na gamot.


Mariin naman itinanggi ng suspek na sa kanya ang nakuhang shabu pero aminado siya na pagmamay ari niya ang mga drug paraphernalia na sinubukan niyang itapon sa CR.

Ayon naman kay Sangandaan brgy Capt. Rolan Quitorio minsan nilang pinuntahan ang suspek, pero nagpakilala itong ahente ng NBI at nanunutok ng baril.

Paibaiba rin umano ang sinasabing pangalan nito.

Nakuha rin sa suspek ang isang bullet proof vest na ginagamit umano niyang proteksyon, ang suspek ay nahaharap ngayon sa paglabag sa dangerous drug act.

Facebook Comments