HULI | No.1 most wanted sa Abad Santos, Maynila, arestado!

Manila, Philippines – Matapos ang isang taong pagtatago, nadakip na ng mga otoridad ang number 1 most wanted sa Abad Santos, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Monico Batol, alyas “Boy Negro”.

Nahaharap sa kasong murder si batol kaugnay ng pagpatay niya kay Daryl Debuque at live-in partner na si Analyn Sosa noong 2016.


Tumanggi namang magsalita ang suspek pero ayon sa mga otoridad, paghihiganti ang nakikita nilang motibo sa krimen.

Nabatid na may atraso ang mga biktima kay batol na posible umanong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments