HULI | Number 8 most wanted personality ng Makati City, naaresto na

Taguig City – Arestado ang number 8 most wanted personality ng Makati City sa ikinasang drug operation sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang suspek na wanted sa kasong homicide na si Rolando Galsote, 36 anyos at residente ng Barangay Valenzuela Makati City.

Ayon kay Police Superintendent Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), naaresto ang suspek matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan nito sa Taguig City.


Dala ang warrant of arrest na inisyu ng Makati City Regional Trial Court, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng SPD at ng Makati Police District (MPD) ang bahay na pinagtataguan ng suspek.

Facebook Comments