HULI | Online scammer na gumagamit ng facebook sa modus, nahuli sa lunsod ng Maynila

Manila, Philippines – Arestado sa lunsod ng Maynila ang isang lalaki na ginagamit ang facebook para makapanloko at makakuha ng pera.

Kinilala ang suspek na John Arvee Javillonar na aminado sa nasabing krimen.

Ayon kay PCI Gilbert Cruz, hepe ng Pritil PCP, nahuli ang suspek sa Velasquez Street Tondo, Maynila nang dahil sa pag susugal.


Matapos maaresto at sumailalim sa beripikasyon lumalabas na maraming reklamo laban sa suspek.

Modus nito gagayahin niya ang picture ng mga online seller sa facebook.

Mag aalok ng produkto at kapag nakapag-down na ng pera sa pamamagitan ng smart padala agad iblo-block ang account ng biktima.

Ayon sa suspek 5 hanggang sa 6 na online seller na ang kaniyang nagaya at nakatangay na ng halos 20k piso.

Gayunman iginiit nito na matagal na siyang tumigil.

Nakakulong na ang suspek sa MPD station 1 nahaharap sa iligal gambling, computer related identity theft at online estafa.

Facebook Comments