HULI | Pitong indibidwal, arestado sa isinagawang anti-criminality campaign sa Guadalupe Viejo, Makati City

Makati City – Arestado ang pitong indibidwal, sa isinagawang anti-criminality campaign ng mga pulis sa Laperal Compound Guadalupe Viejo, Makati City, makaraang maaktuhang nagsusugal ang mga ito.

Kinilala ang mga suspect na sina:
Efren Gamata, 33-anyos
Jonelito Balili, 34-anyos
Roy Marcelo, 39-anyos
Leo Villaluz, 44-anyos
Eric Hernandez, 44-anyos
Marian PeriƱa, 58-anyos
Imelda Gula, 52-anyos

Nakuha mula sa pangangalaga ng mga ito ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, mga bet money at mga barya na ginagamit sa cara y cruz.


Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa RA 9164 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at PD 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments