HULI! | Preso nahulihan ng shabu, 11 kasamahan nito huli rin

15

Manila, Philippines – Nahaharap na naman sa panibagong kaso ang isang drug suspect na nakakulong sa Manila Police District (MPD) Station 11 makaraang mahulihan muli ng ilegal na droga sa loob ng kanyang selda.

Kinilala ang mga suspek na si Albert Nicdao, 38-anyos at Reneboy Atanacio, 37-anyos at isang cell phone technician.

Ayon sa mga kagawad ng MPD Station 11, nakatanggap sila ng impormasyon na dadalaw si Nicdao kay Atanacio sa loob ng selda nito at may dalang ilegal na droga.

Dahil dito, minanmanan nila ang mga suspek at nahuli nila sa akto si Nicdao habang inaabot kay Atanacio ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Mabilis ding kinapkapan si Nicdao kung saan nakuhanan din ito ng isa pang sachet ng umano ay shabu at dalawang piraso ng aluminum foil na parehong nakadikit sa kanyang damit.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa sa mga suspek.

Facebook Comments