HULI SA AKTO | 2 lalaki naaktuhang gumagamit ng shabu, arestado sa QC

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang drug suspek matapos maaktohang gumagamit ng shabu sa Malakas Street Baranagy Pinyahan Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rommel Laporteza, 30-anyos, driver at Alfredo Calimag, 37-anyos at walang trabaho.

Ayon sa QCPD Station 10, nakatanggap sila ng sumbong mula sa concern citizen na may nagsasagawa ng pot session sa isang bahay sa bakanteng lote.


Dito na naabutan ng mga pulis ang mga suspek na nakuhaan ng apat na pekete ng shabu na nagkakahalaga ng halos dalawang libong piso.

Nahaharap ang mga ito paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments