HULI SA AKTO | 3 babae, inabutang gumagamit ng shabu sa Pasay City

Pasay City – Arestado ang tatlong babae matapos silang maaktuhan ng mga pulis na gumagamit ng shabu sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Christine Joy Bacas, Joanne Alcano at Bernadette Hizon.

Nagpapatrolya ang mga pulis sa Rosas Street ng makitang nakabukas ang pinto ng isang bahay at natanaw ang tatlong babae na bumabatak ng shabu.


Nang pasukin, na-recover sa bahay ang mga drug paraphernalia at mga empty sachet ng shabu.

Facebook Comments