HULI SA AKTO | 4, kalaboso sa oplan galugad ng Pasay Police

Pasay City – Arestado ang apat na indibidwal sa HK Sun Plaza sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Pasay City.

Kinilala ang mga suspect na sina:
Crispin Casero, 33-anyos
Gino Arpon, 50-anyos
Jomarie Almazan, 27-anyos
Ernesto Daser, 58-anyos

Lumalabas sa imbestigasyon, nagsasagawa ng oplan galugad ang Pasay Police sa nabanggit na lugar nang mapansin nakabukas ang pinto ng barung- barong.


Nang silipin nila ito, tumambad sa kanila ang mga suspect na nagpo-pot session.

Narecover mula sa operasyon ang isang aluminum foil, isang lighter, dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Facebook Comments