HULI SA AKTO | 6 huli sa pot session sa Navotas

Navotas City – Kalaboso ang anim katao matapos mahuling nagsasagawa ng pot session sa Barangay Bangkulasi Navotas City.

Sa ulat, nasakote ang mga suspek makaraang may ilang mga residente ang nagpadala ng text message sa pamamagitan ng text na talamak ang paggamit ng droga sa isang bahay sa # 600 Pescador Bangkulasi na pagmamay-ari ni Eleonor Abad.

Nabatid pa sa sumbong na ginagawang front lamang ang pagsusugal sa loob ng bahay.


Bukod kay Abad, nakilala naman ang nadakip na sina Dina Gabinag, Michael Villanueva, Ariel Varelajr, Randy Logarta at isang 17-anyos na lalaki.

Nakuha sa kanila ang ilang sachet na may residue ng shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments