HULI SA AKTO | Apat na tao, arestado sa iligal na droga sa Quezon City

Manila, Philippines – Timbog ang apat na indibidwal matapos mahuling gumagamit ng iligal na droga sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Villameron, Brenda Mislang, Jenalyn Guerrero at Mary Grace Cruz.

Ayon sa Masambong Police Station, isang sumbong mula sa concerned citizen ang kanilang natanggap kaugnay sa nagaganap na pot session sa Zone 1, Barangay Bahay Toro.


Agad itong pinuntahan ng mga pulis at inabutan ang mga suspek na gumagamit ng shabu.

Nakumpiska pa sa mga ito ang ilang pakete ng iligal na droga at drug paraphernalia.

Facebook Comments