HULI SA AKTO | Dalawang babae at apat na lalaki, timbog matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang anim na indibidwal kabilang ang dalawang babae matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa isang bahay sa Anonas, Quezon City.

Ayon sa Anonas Police Station, nakatanggap sila ng isang tip na may nagaganap na pot session sa lugar kaya agad nila itong sinalakay.

Dito na naaktuhan ang mga suspek na sina Allan Lozate, Roy Rosales, Sonny Borja at Roel Isidro kasama ang dalawang babae na sina Ela Sinon at Carmina Morales.


Nakuha sa mga ito ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang bukas na sachet na may trace ng shabu at mga drug paraphernalia.

Pawang mga nasa watchlist ang mga nahuling suspek at naging parte na ng oplan tokhang.

Facebook Comments