HULI SA AKTO | Dating child actor na si CJ Ramos, arestado sa aktong pagbili ng shabu sa QC

Quezon City – Iprinisinta sa media ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar ang dating child actor na si CJ Ramos na nahuling bumibili ng shabu sa Quezon City.

July 31 nang nagsagawa ng buy-bust operation ang Caloocan City police sa Tandang Sora kung saan target ang isang drug pusher.

Pero nagkataon na habang bumibili ang pulis na nagpanggap na buyer, bumili rin ng isang sachet ng shabu si Ramos.


Agad siyang inaresto ng pulis gayundin ang kasama niyang babae.

Nakuha sa aktor ang P500 halaga ng shabu.

Si CJ Ramos ay nakilala sa mga pelikulang “Tanging Yaman” noong 2000 at “Ang TV movie: The Adarna Adventure” noong 1996.

Facebook Comments